Guy na may respeto ang hanap

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang akong Ethel. Gusto ko na sanang makahanap ng partner para sa akin. Medyo nagkakaedad na ako. Thirty years old na ko.

May mga nanliligaw sa akin. Kaso kapag tinatanong ko kung single sila, parang hindi nagsasabi ng totoo.

May nagsasabi na walang gf, biyudo at hiwalay na sa asawa.

Gusto ko sana ‘yung matinong bf na pwede kong makasama habang buhay at pakakasalan ako.

Sa ngayon hindi ko pa natatagpuan ang lalaking iyon. May mga sinagot ako actually, pero mga sinungaling at hindi talaga totoong mahal ako.

Ang gusto lang ay ang katawan ko. Sinasabi ko naman sa kanila ng tapatan na dati na akong nagtiwala pero hiniwalayan ko dahil sobrang ma L.

Hindi niya ako tinatantanan hangga’t hindi niya ako nayakap at nilapong.

Aba grabe! Kaya never na akong nagtitiwala agad sa mga lalaki.

Gusto ko ng isang lalaki na maginoo, may respeto sa pagkababae ko.

Meron pa kaya nun?

Ethel

Dear Ethel,

Tama naman na huwag mo agad ibubuhos ang iyong tiwala sa isang lalaki.

Hindi naman natin nilalahat, may mga natitira pa ring magalang, may respeto sa mga babae.

Ang gawin mo, usisain mo ng mabuti. Ha-yaan mo lang sila ang manligaw.

Tiyak na may isa dyan na hahangaan mo. Ipaliwanag mo sa kanila ang gusto mo at mga hindi nila dapat gawin sa iyo.

Kung may magtitiyaga at mapapatunayan mo na tapat ay sagutin mo na, basta huwag agad-agad.

Depende sa kung paano ka tratuhin ng guy at kung gaano ka niya kamahal. Kung kaya ka niyang pakitunguhan ng maayos.

Sympre mainam na ipagdasal mo na tamang lalaki ang mapili mo.

Hindi nga perpekto basta may respeto.

Dr. Love

Show comments