Bored sa walang away na relasyon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang akong Lenlen.  Maikli lamang po itong isye-share ko sa inyo.

Sumasasagi po kasisa isip ko ang pagdududa sa bf ko.

Bagaman ok ang relationship namin. Almost two years na kami.

Pero simula nitong nawala ang lockdowns parang hindi na normal ang relationship namin.

Hindi naman kasi ako selosa at hindi rin mapaghanap. Kaya kung sa atensyon ay hindi naman siya nagkukulang sa akin.

Ang napapansin ko lang, lagi siyang payag nang payag sa gusto ko. O kahit sa anumang gusto kong gawin.

Ni hindi nga kami nag-aaway. Parang bo-ring!

Walang matinding challenge sa takbo ng relationship namin. Almost lahat smooth.

May kaya sila kaya kung ano ang sabihin ko, sunod lang siya ng sunod.

Sa materyal na bagay, wala akong pro-blema. Hindi rin naman ako abusado sa bf. Kahit alam kong kaya niyang ibigay ay hindi ko hinihingi.

‘Yun lang po ang naiisip ko, tuloy baka kaya hindi niya ako inaaway ay para hindi ko rin siya awayin kung may kalokohan siyang gagawin.

Paano po kaya ito? Nalilito na ako sa dapat ko maramdaman para sa boyfriend ko at sa aming relationship.

Sorry po, alam kong mali na pagdudahan ang bf ko.

Lenlen

Dear Lenlen,

Napakapalad mo, iha. Marami ang naghahangad ng katulad ng relationship ninyo. Hindi nag-aaway at maayos ang communication ninyong dalawa.

Ingat lang, dahil hindi naman talaga kaaya-aya ang mag-doubt o maghinala sa mahal mo.

Mainam na i-enjoy mo ang maganda ninyong pagsasama.

Asahan mong tatagal ang relationship ninyo kung lagi mo siyang kakausapin sa lahat ng mga plano niya at maging open kayo sa isa’t isa.

Mainam naman kung minsan nag-aaway kayo. Pero kung wala ka namang makitang dahilan ay mas ok na lagi kayong magkasundo na dalawa.

Ang tunay na sukatan ng pamamahan ay kung masaya ka kahit sa anumang sitwasyon ninyo sa buhay.

Dr. Love

Show comments