Matapos makabuntis, ‘di na makontak

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Sahlie. Sixteen years old. Nabuntis ako ng bf ko na seventeen years old.

Oo, alam ko na nagkamali kami at nabuntis ako ng maaga. Pero bakit kailangan ilayo ng magulang niya ang ama ng aking magiging anak.

‘Di ba dapat lang na panagutan niya ang aming magiging anak. Gusto ko na magpa-kasal kami,  kung talagang hindi siya takot at kaya niya akong panagutan.

Ilang beses ko na siyang kinontak pero ayaw sagutin ang mga chat at video call ko.

Ang gusto ko lang maging maayos kami at ang magiging anak namin. Sinakripisyo ko ang aking pag-aaral dahil buntis ako.

Kabuwanan ko na next month. Wala pa rin. Ni hindi siya nag-iwan ng message sa akin, kung ano ang plano niya.

Pakiusap ko lang sa parents niya na huwag naman kaming pahirapan. Gusto kong makausap ang kanilang anak.

Ayoko rin naman na idaan pa sa legal ang mga dapat na mapag-usapan namin ng maayos.

Hindi ko ito nagugustuhan at hindi ako mapakali para sa magiging anak namin.

Sahlie

Dear Sahlie,

Hindi madali ang pinasok ninyo. Kung gusto ninyong magsama, dapat nasa wastong edad kayo.

Tama ka naman dun, kung pwede naman maging maayos ang lahat hindi na ninyo kailangan na palakihin pa ang pro-blema ninyo.

Sa side ng bf mo, dapat na maging bukas sila sa kasunduan ninyo kung gusto nila na makasal kayo sa tamang panahon.

Hindi rin naman tama na magsama na kayo kung wala pa kayo sa wastong gulang at hindi pa ninyong kayang tumayo sa sarili ninyong mga paa.

Dapat maging malinaw ito sa inyong dalawa at sa inyong pamilya.

Pag-usapan ninyo ang lahat para sa magiging future ng anak ninyo.

Wala namang problema na hindi nasosolusyon, lalo na kung magtutulungan kayo.

DR. LOVE

 

 

 

Show comments