Hindi ligawin

Dear Dr. Love,

Bumabati po ako sa inyo ng mabiyayang araw. Tawagin n’yo na lang akong Regina, 20 anyos at dalaga.

Nagtatrabaho po ako bilang clerk sa isang tanggapan ng pamahalaan. Naiinggit ako sa aking mga kaibigan dahil lahat sila ay may boyfriend na at ang iba’y may asawa na, pero ako, ni minsan ay  hindi pa nagkakaroon ng boyfriend.

Minsan may nanligaw sa akin pero agad kong dinispatsa dahil nalaman ko sa isa pang kaibigan na pinagpupustahan lang ako.

Ang dahilan marahil ay ang aking kakulangan sa ganda. Mataba po ako, maitim at kinky ang buhok.

Minsan, sinisisi ko ang Diyos kung bakit ginawa akong pangit. Ano po ang gagawin ko para maging attractive?

Regina

Dear Regina,

Maaaring hindi ka attractive pero naniniwala ako na mayroon kang naitatagong kagandahang panloob. Huwag kang malungkot at huwag mong sisisihin ang Diyos. Ang mga bagay ay nangyayari dahil laging may magandang dahilan ang Diyos na kung minsan ay hindi natin agad maunawaan.

Just be yourself.  Maging palakaibigan ka at alam kong darating ang araw na may makakapansin din sa iyo.  May mga kilala rin akong kapos sa gandang panlabas pero dahil sa ganda ng ugali ay nakakuha ng mga kasintahan at nakapangasawa pa.

Dr. Love

Show comments