^

Kutob

February 20, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Unti-unting makikilala ka sa larangan na kinabibilangan. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Maging malambing. Sa negosyo, maganda ang kikitain. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag agad-agad na gumawa ng desisyon kung hindi natitiyakin sa iyong pasiya. Ang paggawa ng desisyon ay hindi minamadali, lalo na kung maselang bagay ang nakataya. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at violet.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Maaaring ang isa sa dalawang manliligaw ay magtatanong kung sino ang iyong pipiliin. Maaari ang kasintahan ay magyaya nang pakasal. Tiyakin na ang desisyon ay galing sa matinong pag-iisip at sa iyong puso. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at white.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Iwasan na maging sakit ng ulo ng iyong kapwa. Huwag hayaang na mainis ang nakapaligid dahil magiging makulit ka ngayon. Kung ano ang gusto, huwag magpadalus- dalos dahil maaaring ito ang ikasira. Bawat kilos, tiyakin  na magiging pabor sa iyong panig, ngunit hindi makakasakit sa kapwa. Lucky numbers at color for the dya ya 9, 16, 25, 40 at gray.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Mapakumbaba at huwag hayaang umiral ang kayabangan. Magiging mataas ang iyong pride at kapag walang self control, mapapasubo at mapapahiya sa karamihan. May sasalungat sa iyo ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang nararamdaman sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar para maiba ang ihip ng kapalaran. Ang magbakasakali, maliban sa sugal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng pagkamaunawain at pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Ang tiwala ay kakambal ng pag-ibig at pagmamahal, kaya dapat iytong alagaan nang hindi masira. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Nakakadismayang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansiyal o buhay pag-ibig. Huwag hayaan na maapektuhan ng husto ang sarili. Nasa tabi lamang ang solusyon sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal. Upang makasiguro sa gustong malaman, kausapin siya nang masinsinan para magkaliwanagan. Huwag kimkimin sa sarili kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang maging mapagbigay at maalalahanin ang tanging paraan para mapalapit sa lihim na minamahal. Kung may gustong sabihin, walang masama na ipagtapat kung malinis ang pakay. Malalaman ang kasagutan kung magtatapat. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Hindi kailangan na maging magarbo o magastos para matiyak na magiging maganda ang impresyon ng ibang tao. Sapat na ang maging natural para magkaroon ng kaibigan. Iwasan ang magmayabang dahil ang balik ay kahihiyaan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 44 at pink.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Huwag maging magastos kahit may pera dahil darating ang araw na tiyak may pagkakagastusan na hindi maiiwasan. Mabuti nang laging may naitatagong pera na kung kailangan ay may magagamit. Maging tipid at magsimulang mag-save. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 41 at sky blue.

vuukle comment

FEBRUARY 20

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with