Double timer

Dear Dr. Love,

Unang-una ay kamusta po sa buong PSN staff at sa mga readers ng kolum na ito.

Ngayon lang po ako naglakas-loob na sumulat. Kabilang ako sa mga avid readers ninyo. Parati kong inaabangan ito dahil dito ko po nababasa ang mga magagandang payo tungkol sa mga love problems.

May problema ako sa aking boyfriend. Siya nga pala, itago na lang po ninyo ako sa pangalang Simple Daisy ng Tagum City, 18 years-old.

Mahal na mahal ko po siya kahit dalawa kaming girlfriends niya.  Tawagin ninyo na lang siyang Paolo, 22 years-old. Ang other girlfriend niya ay tawagin na lang nating Jenny.

Ibig ni Jenny na magkakilala kami. Pero tutol naman si Paolo sa gusto niya.

Sabi ko kay Paolo, ako na lang ang magpapaubayang lalayo dahil ako ang nakakaintindi sa kanya. Subalit ayaw naman niya dahil lalo lang daw siyang masasaktan.

Dr. Love, mahal ko si Paolo. Tingin ko wala nang ibang lalaking makakapantay sa kanya sa puso ko.

Tulungan mo po ako. Alam ko na mabibigyan ninyo ako ng tamang payo tungkol sa aking problema.

Simple Daisy

 

Dear Simple Daisy,

Nahihibang ka. Ideal man mo pa ang ganyang lalaki na double timer? Grabe ka iha.

Bigyan mo ng respeto ang sarili mo. Go back to your right senses at kalimutan mo ang lalaking iyan. Kung mahal ka niya, bakit dalawa kayo sa buhay niya? Tiyak ko, hindi ka liligaya sa piling niya kaya sige, kung kaya mong magparaya, magparaya ka at iwanan mo ang lalaking iyan.

Bata ka pa naman at hindi ka dapat na magmadali sa pagpapatali ng sarili sa isang lala­king hindi mo alam kung mahal ka nga o hindi.

Dr. Love

 

Show comments