Pinagsisisihan ko ito

Dear Dr. Love,

Isa pong umaalab na pagbati ng magandang araw ang ibig kong ipaabot sa inyo. Nakakahikayat po na sumulat sa inyo dahil magaling kayong magbigay ng payo lalo na sa mga katulad kong loveless.

Kung puwede ay tawagin n’yo na lang akong Minerva. I am 21 years-old. Mahigit isang taon na kaming break ng boyfriend kong si Marc.

Nanghihinayang ako sa aming relationship. Kasalanan ko kung bakit nawala sa aking buhay si Marc. Huli na nang ma-realize ko na mahal ko pala siya.

Hanggang ngayon ay loveless pa rin ako. Hinihintay ko siyang bumalik sa akin at sana sa pamamagitan ng column mo ay malaman ni Marc na siya ang pinakamamahal ko at pinagsisisihan ko na ang mga pagkakamaling nagawa ko sa kanya.

Dapat po ba akong umasa na magkakabalikan kami? Lubos na nagpapasalamat,

Minerva

Dear Minerva,

Sa palagay ko ay mabigat ang nagawa mong kasalanan kay Marc dahil hindi ka na niya nagawang mapatawad o baka naman hindi ka man lang gumawa ng paraan para humingi ng tawad sa kanya.

Subukan mong kausapin siya at humingi ng tawad at kung sakaling patawarin ka niya, good for you. Kung hindi naman, don’t force the issue. Life has to go on for you. Bata ka pa at marami ka pang makikilala.

Isa lang ang maipapayo ko sa iyo sakaling magkaroon ka ng bagong boyfriend. Huwag mo nang ulitin ang ginawa mo kay Marc (kung anuman iyon dahil hindi mo naman nabanggit sa sulat mo) para hindi ka magsising muli kapag nawala na naman ito sa buhay mo.

Dr. Love

Show comments