^

Dr. Love

Dahil sa kapusukan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo. Lagi akong nagbabasa ng PS NGAYON at ang Dr. Love ang paborito ko.

Ngayon, heto ako at humihingi ng payo.

Tawagin mo na lang akong Cherry, 21-anyos at isang kasambahay.

Nagtatrabaho ako dito sa Quezon City at may boyfriend akong trike driver. Naging mapusok kami pareho at nagtatagpo kapag madaling araw. Sa madilim at mahalamang lugar sa subdivision namin ay doon kami nagsi-sex.

Ngayon po ay buntis ako. Nang malaman ito ng boyfriend ko ay ayaw na akong pansinin. Nandoon pa rin siya at pumapasada pero parang hindi niya ako kakilala.

Nakakahalata na ang amo kong babae dahil madalas wala ako sa kondisyon at nagsusuka pag umaga.

Kinausap niya ako at pilit akong pinagtatapat pero ayaw kong sabihin ang totoo. Sabi niya, kapag lumaki ang tiyan ko ay palalayasin ako.

Kung mangyari ito, saan naman ako pupunta. Tiyak kagagalitan din ako ng mga magulang ko. Tulungan mo ako.

Cherry

Dear Cherry,

Gumawa ka ng problema kaya harapin mo iyan. Kung ayaw kang panagutan ng boyfriend mo ay wala kang magagawa kundi umiyak.

Pero naririyan na iyan. Umamin ka sa amo mo at hingin mo ang kanyang tulong, baka sakaling matulungan ka niya.

Sana ay naging leksyon sa iyo ang iyong karanasan. Ang kapusukan ay laging nagbubunga ng kapahamakan.

Dr. Love

AKO

ANG

DEAR CHERRY

DR. LOVE

GUMAWA

KINAUSAP

KUMUSTA

LAGI

NGAYON

QUEZON CITY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with