Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Lina, 26-anyos at dalaga pa. Kung bakit hindi ako nakapag-asawa ay dahil sa tatlo kong magkakasunod na kabiguan sa pag-ibig.
Tatlo ang naging boyfriend ko na minahal ko ng tapat pero nagsalawahan at ipinagpalit ako sa iba matapos kong maibigay sa kanila ang aÂking pagkababae.
Ako ay 19-anyos pa lang nang mawala ang aking pagkadalaga, sa kasintahan ko na bigla ring nawala at nang mabatid ko’y nag-asawa na.
Dalawang taon ang lumipas nang maghilom ang sugat ko at nagpasyang umibig muli pero ganoon din ang nangyari. Walang pinag-iba ang sitwasyon sa pangatlo at huli kong boyfriend na inangkin lang ang katawan ko at nawalang parang bula.
Doon ko ipinasyang huwag na lang umibig. Pero sa ngayon ay may nanliligaw sa akin. Siya ay 21-anyos, matanda ako ng limang taon. Kahit na naisumpa kong huwag nang umibig ay parang malakas ang pang-akit ng lalaking ito sa akin.
Paano ko matitiyak na hindi lang niya ako pagsasamantalahan?
Lina
Dear Lina,
Paano ka makatitiyak? Huwag mong ibigay ang pagkababae mo hangga’t walang kasal. Kaya ka iniiwan ay dahil natikman ka na nila.
Pero kung may pagpapahalaga ka sa iyong pagkababae at hindi madaling magbigay, igagalang ka ng lalaki.
Ngunit tatlo na ang nakaangkin sa iyo. SiyemÂpre malalaman iyan ng magiging asawa mo. So, ang gawin mo ay maging tapat ka sa iyong boyfriend. Sabihin mong hindi ka na virgin at sa karaÂnasan mo’y natuto ka nang magpahaÂlaga sa iyong sarili. Kung sa kabila nito’y mamahalin ka pa rin ng boyfriend mo at pakakasalan, masuÂwerte ka dahil natagpuan mo ang tunay na pag-ibig.
Dr. Love