Shari’a Bill ni Tolentino, aprub sa Senado

MANILA, Philippines — Lusot na sa third reading ang Senate Bill No. 2594 na nagtatakda ng pagbuo ng karagdagang Shari’a courts upang mas maging ‘accessible’ sa ating mga kapatid na Muslim ang pagdulog sa ­korte anuman ang kanilang lokasyon.

Dahil dito, pinasalamatan ni Sen. Francis “Tol’ Tolentino ang kanyang mga kapwa senador, maging si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo at ang mga bumuo ng Technical Working Group (TWG) kabilang na ang Department of Budget and Management (DBM) at National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).

Nakapaloob sa Senate Bill No. 2594 ang pagbuo ng tatlong Shari’a judicial districts at labing dalawa na Shari’a circuit courts.

“Yung mga kapatid natin na Muslim, kapag kukuha ng birth certificate ay kailangan pa pumunta sa Cotabato kahit na taga Metro Manila sila, pero ngayon, ay hindi na dahil magkakaroon na ng Shari’a court dito sa National Capital Region (NCR)”, ani Tolentino.

Show comments