Zambales nagtala ng 53 Celsius heat index

The sun sets beautifully as it ends its reign for the day as viewed from Subic, Zambales on April 29, 2024.
Miguel Libosada/The Philippine STAR

36 lugar dumanas ng ‘danger level’

MANILA, Philippines — Nagtala ang Iba, Zambales ng pinakamataas na heat index level na pumalo sa 53°C nitong Linggo, ayon sa PAGASA.

Naitala naman sa ­‘danger level’ ang heat index o sobrang init na panahon sa 36 na lugar sa bansa kahapon, kabilang ang Dagupan City sa Pangasinan sa pinakamataas na heat index na 47°C.

Sinundan ito ng Aparri, Cagayan, 46°C; Laoag City, Tuguegarao City at Baler, Aurora sa 45°C.

Habang 6 lugar ang dumanas ng 44°C kabilang ang Casiguran, Aurora; Sinait, Ilocos Sur; Dumangas, Iloilo; Aborlan, Palawan; San Jose, Occidental Mindoro, at Coron, Palawan.

Ang mga lugar na dumanas ng 43°C heat index kahapon ay ang NAIA Pasay City, Metro Manila; Batac, Ilocos Norte; Bayombong, Nueva Vizcaya; Ambulong, Tanauan, Batangas; ­Puerto Princesa City, Palawan; Virac, Catanduanes; Iloilo City, Iloilo; Guiuan, Eastern Samar; at Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Nagtala naman ng 42°C ang Science Garden, Quezon City, Metro Manila; Clark Airport, Pampanga; Munoz, Nueva Ecija; Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City; Sangley Point, Cavite; Legazpi City, Albay; Pili, Camarines Sur; Roxas City at Mambusao, Capiz; La Granja, La Carlota, Negros Occidental; Dipolog, Zamboanga del Norte; Davao City, Davao del Sur at Butuan, Agusan  del Norte.

Ang heat index ay ang damang init sa katawan ng isang tao sa panahon na maalinsangan ang panahon.

Sinabi ni Dr. Ana Solis, hepe ng Climatology department ng PAGASA, na ang nararanasang init ay heat extreme dulot ng El Niño phenomenon at summer season.

Show comments