Polisiya ng PNP sa tattoo, unconstitutional – solon

MANILA, Philippines — Wala umanong basehang legal sa batas ang bagong polisiya ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa tattoo.

Iginiit ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua na wala rin ito sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713) at sa batas na nagtatatag sa Philippine National Police sa ilalim ng Republic Act (RA) 6975.

“Wala sa qualifitions at disqualifications na nakasaad sa Section 30 ng RA 6975. Ni hindi nga ipinagbawal o tinutulan ng Supreme Court na magka-tattoo ang mga huwes sa naging desisyon nito sa isang administrative case tungkol sa social media posts ng isang judge sa La Union,” anang solon.

Aniya, sa ilalim ng batas ang tattoo o anumang kahalintulad nito ay hindi kabilang sa mga ipinagbabawal.

Ginawa ng solon ang pahayag bilang tugon sa inianunsyo ng PNP na bawal na ang tattoo sa mga pulis at kung meron man mga pulis na nagtataglay nito ay dapat itong ipatanggal.

“Requiring police officers to remove their visible tattoos also exposes those officers to health risks such as infection. Tattoo removal is safe only if it is done by licensed healthcare practitioners with specific training and certification in tattoo removal,” anang solon.

Anya, ang tanging posibleng rason o kadahilanan para ipagbawal ang tattoo sa mga pulis ay ang masangkot sa anumang kriminal na organisasyon.

Show comments