^

Bansa

Marcos nagkakasa na ng ‘aksyon’ vs China harassment

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Marcos nagkakasa na ng �aksyon� vs China harassment
President Ferdinand Marcos Jr. on March 18, 2024.
STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines — Magsasagawa ng mas makabuluhang hakbang ang Pilipinas laban sa China dahil sa patuloy na panghaharas nito sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni National Security Council (NSC) Assistant Director Ge­neral Jonathan Malaya, na tini­timbang na ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon na ibinigay ng security council sa ginanap na high level meeting nila sa Malakanyang.

Ayon sa opisyal, ang kanilang rekomendasyon ay matapos ang panghaharas sa mga Filipino scientists at researchers ng isang Chinese helicopter sa Sandy Cay sa Pag-asa island sa WPS nitong Sabado.

Ito ang panibagong panghaharas ng China sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Kaya giit ni Malaya, dapat bigyan ng sapat na panahon ng Pangulo para timbangin ang lahat ng opsyon, subalit tiyak siya na gagawa ito ng konkretong aksyon sa lalong madaling panahon bilang tugon sa harassment ng China.

“We will not be deterred by any of these actions (by China), and we are always prepared to find a peaceful and diplomatic solution to these problems,” sinabi pa ni Malaya sa panayam ng ANC.

Sa kabila naman anya ng harassment ng China ay naging matagumpay ang marine resource assessment ng Filipino scientists sa Sandy Cay kung saan nanatili sila doon ng mahigit sa apat na oras at nakapagsagawa ng scientific study.

Noong Sabado rin ay binomba ng tubig ng Chinese coast guard ang civilian vessel na magsasagawa sana ng resupply sa tropa ng Pilipinas na nasa BRP Sierra Madre.

Dahil sa lakas ng pambobomba ay nagkaroon ng malaking pinsala ang barkong Unaiza May 4 na ikinasugat ng ilang mga sakay nito.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with