Ombudsman Martires isinilbi subpoena sa NFA officials

Snabi ni Justice Martires na kaya siya personal na nagpunta sa NFA ay para makuha yung mga datos na kailangan ng Ombudsman gaya ng listahan ng mga warehouse.
Boy Santos

MANILA, Philippines —  Personal na nagtungo sa tanggapan ng Natio­nal Food Authority (NFA) sa Quezon City si Ombudsman Justice Samuel Martires kahapon para ihatid ang subpeona sa iniimbestigahang 139 opisyal at empleyado ng NFA sa maanomalyang pagbenta ng bagsak-presyong bigas.

Snabi ni Justice Martires na kaya siya personal na nagpunta sa NFA ay para makuha yung mga datos na kailangan ng Ombudsman gaya ng listahan ng mga warehouse.

Hindi anya maaaring manghula ang Ombudsman kung nasaan ang mga bigas at saan galing ang mga bigas na idineliber sa mga negosyante.

Mahalaga anya sa ginawang imbestigasyon ang naturang datos para malaman kung sino ang dapat kasuhan sa ‘bigas scam.’

Ani Justice Martires, hindi pa nila matukoy sa ngayon kung ilang sako ng bigas at magkano ang halaga ng bigas na naibenta ng palugi.

Show comments