Marcos biyaheng Saudi, VP Sara caretaker

Vice President Sara Duterte-Carpio gives the keynote address during the "Tribute to soldiers" awards ceremony at The Manila Hotel, Rizal Park, Ermita in Manila on Aug. 28, 2023.
Inday Sara Duterte / Facebook

MANILA, Philippines — Tumulak na kahapon patungong Riyadh, Saudi Arabia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para dumalo sa unang Asean-Gulf Cooperation Council.

Sa inilabas na pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, gagawin ang pagpupulong sa Oktubre 19 hanggang 20.

Itinalaga naman ni Pangulong Marcos si Vice-President Sara Duterte bilang caretaker ng bansa.

Pangangasiwaan ni Duterte ang pang-araw araw na gawain sa sangay ng ehekutibo habang wala ang Pangulo.

Bukod sa Asen-GCC summit, hihikayatin din ni ­Pangulong Marcos ang mga negosyante sa Saudi Arabia na maglagak ng puhunan sa Pilipinas.

Show comments