^

Bansa

Birthday wish ni Pangulong Marcos: Maging maayos na ang agrikultura

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Birthday wish ni Pangulong Marcos: Maging maayos na ang agrikultura
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Hangad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging maayos na ang agrikultura.

Ito ang birthday wish ng Pangulo sa kanyang ika-66 kaarawan ngayong araw, September 13.

Sa panayam ng media sa Pangulo sa dinaluhang aktibidad sa Department of Agrarian Reform (DAR) nitong Martes, sinabi nitong hangad niyang umayos ang agrikultura sa bansa.

Sana aniya ay ma­linawan na kung kailan ang panahon ng tag-araw at tag-ulan upang mailatag na ang mga programa sa sektor ng agrikultura.

“Naku. Maging ma­ayos na ang agrikultura. At malaman na natin kung ano ba talaga ang weather, wet season ba o dry season para naman matulungan natin ‘yung mga farmer natin. ‘Yun lamang naman ang aking panalangin pa rin hanggang ngayon”, pahayag ni Marcos.

Hanggang ngayon ay ang Pangulo pa rin ang nangangasiwa sa Department of Agriculture at wala itong itinatalagang kalihim ng ahensiya dahil nais niyang personal na matutukan ang mga pagpapabago at pagpapalakas sa agriculture sector.

vuukle comment

FARMERS

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with