108 lugar sa bansa nasa ilalim ng state of calamity

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 108 na lugar sa anim na rehiyon sa Luzon ang nasa ilalim ng state of cala­mity bunsod ng nagdaang bagyong ‘Egay’ at hanging habagat.

Nabatid sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 2,452,738 katao o 668,974 na pamilya sa 4,164 na barangays ang apektado sa Ilocos Region, Caga­yan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region.

Gayundin sa Western Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bangsamoro Autonomous Region, Cordillera Admi­nistrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).

Pansamantalang su­misilong ang 13,718 pamil­ya o 50,467 indibidwal sa 736 evacuation centers.

Samantala, nananatili sa 25 ang naiulat na nasawi habang 52 ang sugatan.

Show comments