^

Bansa

Kampanya kontra 'sangla-ATM' nakakuha ng suporta

Philstar.com
Kampanya kontra 'sangla-ATM' nakakuha ng suporta
This undated photo shows a person inserting their card into an automated teller machine.
The STAR / File photo

MANILA, Philippines — Ipinahayag ng isang global digital lending platform ang suporta nito sa kampanya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng isang senador laban sa mga mapanamantalang sistema ng pagpapahiram ng pera tulad ng “sangla-ATM” scheme.

Ang naturang modus ay itinuturing na lalong nagpapahirap sa mga Pilipinong may problemang pinansyal. Ang nasabing laban sa sangla-ATM ay alinsunod sa kakulangan na rin ng mga batas hinggil sa patuloy na pananamantala sa mga Pilipino pagdating sa usaping pagpapautang.

Sa sistema ng sangla-ATM, isinisangla o ginagamit bilang kolateral ng mga humihiram ng pera ang kanilang mga ATM card sa mga informal financiers. Karamihan sa mga nabibiktima ng naturang scheme ay mga senior citizens na buwanang nakakatanggap ng pensyon mula sa Social Security System (SSS) o Government Service Insurance System (GSIS), pati na rin ang mga manggagawang maliit lamang ang kita. Kadalasang walang  pinipirmahang kontrata o kahit na anong pormal na kasunduan kaya naman hirap na magsampa ng pormal na reklamo sa kinauukulan o sa korte ang mga nabibiktima.

“Loans should help, not hinder, borrowers from making productive use of their money,” sabi ni Bianca Villarama, Director for Regulatory and Privacy ng Tala, isang digital lending platform. “Sangla-ATM loans, which require borrowers to surrender their ATM cards and to share their ATM security codes, prevent borrowers from using their money freely and safely. Tala believes that borrowers should be trusted and empowered to make good financial decisions to improve their lives. Tala supports the government’s campaigns to restrict lending practices that physically put borrowers’ property in the hands of untrustworthy lenders.”

Dagdag pa ni Villarama: “Ang loans ay dapat na makatulong at hindi makahadlang sa mga humihiram para magamit nila ng maayos ang perang nahiram. Sa sistemang ito kung saan kailangan nilang i-surrender ang kanilang ATM card at ang security code nito, napipigilan ang mga humihiram ng pera na ligtas at malayang magamit ang kanilang pera. Naniniwala ang Tala na karapat-dapat na magkaroon ng tiwala at kapangyarihan ang mga humihiram ng pera na makapagdesisyon sa kung paano nila mapauunlad ang kanilang mga buhay. Sinusuportahan Tala sa kampanya ng pamahalaan para pigilan ang mga mapanamantalang sistema ng pagpapautang na nagiging dahilan para malagay sa alanganin mga mga ari-arian ng mga humihiram ng pera.”

Ayon sa 2022 Consumer Expectation Survey na isinagawa ng BSP, 2.6% ng mga Pilipino ang piniling gamitin ang sangla-ATM bilang paraan ng paghiram ng pera dahil sa dalawang rason: mabilis i-release ang loan at walang mga mahahabang dokumento na kailangang tapusin at ipasa. Lumalabas din sa parehong survey na ilan pa sa mga dahilan kung bakit napipilitan ang ilan na humiram sa mga kalauna’y lumalabas na mga may mapanamantalang sistema ay dahil nahihirapan silang kumpletuhin ang mga hinihinging requirement, pati na rin ang kawalan ng guarantor, pirming trabaho at credit history.

Patuloy na nagbababala ang BSP sa publiko sa mga panganib na dulot ng sangla-ATM. Kabilang na rito ang identity theft at fraud, na maaaring magresulta sa hindi awtorisadong paggamit ng personal data at bank account details ng mga humihiram na posibleng gamitin sa mapanloko at kriminal na gawain.

Kamakailan ay nanawagan din si Sen. Raffy Tulfo sa kanyang mga kasamahan sa senado tungkol pa patuloy na paglaganap ng mga sistemang tulad ng sangla-ATM sa mga SSS at GSIS pensioners. Aniya, nasasamantala ng ganitong sistema ang senior citizens napipilitang kumuha ng loan dahil sa mga pangangailangang pinansyal.

Sa kanyang privelege speech sa plenary session sa senado noong February 27, sinabi ng senador na tinitingnan niya ang posibilidad na makapagpasa ng batas sa pagbabawal o pag-regulate sa paggamit ng SSS o GSIS pension ATM card bilang kolateral, at pagpapataw ng kaukulang parusa sa mga lalabag rito.

Naniniwala si Tulfo na dapat nang matigil ang mga ganitong sistema dahil sa mga posibleng panganib na maidudulot niyo. Aniya, kailangan ang tulong ng pribadong sektor sa pagpuksa ng mga ganitong gawain kabilang na ang pagbibigay o pagkakaroon ng mga alternatibong paraan na walang kaakibat na anumang panganib para sa mga nangangailangan.

Isang mabisa, ligtas, at mapagkakatiwalaan platform para sa mga Pilipinong kailangan ng mabilis at siguradong mapaghihiraman ng kinakailangang halaga ay ang Tala. Kahit ang mga Pilipinong walang magamit na kolateral ay maaari ring makapag-apply ng loan sa Tala, at may kalayaan ang mga humihiram na pumili ng paraan ng pagbabayad pati na rin kung hanggang kailan nila ito kayang mabayaran ng buo.

Gamit ang bagong Tala loans, makasisiguro ang mga humihiram ng pera sa seguridad ng platform na kanilang ginagamit, malinaw ang mga alituntunin at kondisyon ng paghiram ng pera, at patas ang paraan ng pangongolekta ng bayad sa utang.

Nagpapautang ang Tala sa mga Pilipino gamit ang platform na madaling gamitin, ma-access, at tapat. Layunin namin na siguruhin na ang aming customers ay ligtas na makahiram, makapag-ipon, at magkaroon ng kalayaan sa paggawa ng desisyong pampinansyal na naaayon sa kanilang mga pangangailangan,” ayon kay Villarama. “Sa Tala, hindi na kailangan ng mga Pilipino na isangla ang kanilang mga ATM card o manghiram sa mga loan shark para lamang matugunan ang kanilang mga pangangailangan pinansyal.”

vuukle comment

ATM

BSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with