^

Bansa

Paggamit sa GSIS, SSS funds sa Maharlika pinalagan ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Paggamit sa GSIS, SSS funds sa Maharlika pinalagan ng Senado
Senators gather to ratify the Maharlika Investment Fund bill at the Session Hall on May 31, 2023.
STAR/Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Pumalag ang parehong lider ng mayorya at minorya sa Senado sa naging pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na maaari pa ring gamitin ang pension funds ng SSS at GSIS para pondohan ang mga proyekto ng Maharlika Investment Corporation (MIC).

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villa­nueva, walang puwang ang anumang interpretasyon dahil malinaw namang nakasaad sa probisyon ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng pondo ng ahensya ng gobyerno at mga GOCCs na nagkakaloob ng social security at public health insurance para sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Nakasaad sa probisyon ng MIF Bill na ang mga pension funds sa ilalim ng SSS, GSIS, PhilHealth, PAGIBIG, OWWA at PVAO ay hindi kailanman maaa­ring gamitin na pampondo sa mga proyekto ng kor­porasyon, mandatory o voluntary man ito.

Tinukoy ni Villanueva na tatlong beses na binanggit sa inaprubahang MIF Bill ang prohibition sa paggamit ng pondo ng mga nasabing ahensya at tanggapan.

Tanong naman ni Se­nate Minority Leader Koko Pimentel, bakit ba mas­yadong interesado ang gobyerno sa paggamit ng pondo ng GSIS at SSS.

Giit ni Pimentel, “hands off” dapat ang pamahalaan sa paggamit sa pondo ng GSIS at SSS dahil ito ay private funds ng kanilang mga myembro.

Sinita pa ng senador ang tila ‘play of words’ ng gobyerno na umiiwas na gamitin ang mga salitang INITIAL CAPITAL, ADDI­TIONAL CAPITAL, AT BONDS at sa halip “SUBSCRIBE TO PROJECTS” ang gagamitin na sa madaling salita ay popondohan ang mga proyekto ng Maharlika Investment Fund Corporation.

vuukle comment

GSIS

SSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with