^

Bansa

Na-contempt na 6 pulis sa P6.7 bilyong shabu bust, pinalaya ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Na-contempt na 6 pulis sa P6.7 bilyong shabu bust, pinalaya ng Senado
Pinangunahan ni Sen. Ronald “Bato dela Rosa” ang ika-4 na Senate public hearing sa umano’y pag kakasangkot ng ilang PNP officials sa P6.7 bilyong shabu bust. Kahapon ay pinakawalan na rin ng Senado ang anim na pulis na ipinakulong nito matapos ma-contempt.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Binawi na ng Senado ang pag-contempt sa anim na pulis na idinawit sa umano’y cover-up ng P6.7 bilyong halaga ng nasamsam na shabu sa Maynila, kamakailan.

Pinalaya na sa detention ng Senado sina Capt. Jonathan Sosongco, head ng PNP-Drug Enforcement Unit-Special Operation Unit 4-A; Master Sergeant Carlo Bayeta; Patrolmen Hustin Peter Gular, Rommar Bugarin, Hassan Kalaw at Dennis Carolino.

Binawi nina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs at Sen. Jinggoy Estrada ang contempt dahil nasagot na ng mga pulis ang kanilang mga tanong sa naturang pagdinig.

Hindi tulad noong nakaraang linggo na tikom ang kanilang mga bibig at ini-invoked ang right to self incrimination.

Sabi ni Sosongco sa pagdinig na noong Oktubre 2022 ay hindi kasama ang lima noong mahuli si Police Supt. Rodolfo Mayo Jr. na nakumpiskahan ng halos isang tonelada ng shabu habang ayon naman sa lima ay pinasunod lang sila sa crime scene kung saan natagpuan nila ang santambak na shabu.

Tumanggi umano silang magsalita noong una dahil testigo sila kay Ney Atadero na kasama ni Mayo na nahulihan ng shabu sabay giit na hindi sila kasama sa sindikato.

Habang sila ay pinakawalan, pinabalik naman sa detention ng Senado sina Police Master Sgt. Jerrywin Rebosora at Police Master Sgt. Lorenzo Catarata na kapwa inakusahan na bumawas sa shabu na nakuha kay Mayo.

vuukle comment

DRUGS

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with