^

Bansa

50K Pinoy seafarers tuloy sa paglalayag

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
50K Pinoy seafarers tuloy sa paglalayag
This file photo shows a Filipino crew on the bridge of a ship.
Marina FB Page

Resulta ng Brussels trip ni Marcos Jr.

MANILA, Philippines —  Pinalawig ng European Commission’s Directorate-General for Mobility and Transport ang pagkilala nito sa maritime education, pagsasanay at sertipikasyon ng gobyerno ng Pilipinas para sa mga marino matapos pansinin ang mga aksyon ng bansa sa pagtugon sa ilan sa mga seryosong kakulangan nito.

Sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na ang desisyon ng European Commission ay isang patotoo sa pamumuno at political will ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pagtiyak sa pagsunod ng bansa sa mga pamantayan ng STCW.

“With this decision, a crisis of monumental proportions has just been averted,” pahayag ni Ople, at dagdag nito na humigit-kumulang 50,000 trabaho ng mga Pilipinong masters at officers na sakay ng mga European vessel ang nailigtas sa malinaw na desisyon.

Sa isang liham na tinanggap noong Marso 31, sinabi ni Director-General Henrik Hololei kay Maritime Industry Authority (MARINA) administrator Hernani Fabia na tinasa ng EU Commission ang mga aksyong ginawa ng gobyerno ng Pilipinas upang matugunan ang mga kakulangang ito sa International Convention on Standards of Training, Certification at Watchkeeping for Seafarers (STCW Convention) and Code.

Si Ople, na kasalukuyang nasa Geneva, ay nagpasalamat sa European Commission (EC) sa pagkilala sa mga makabuluhang pagsisikap na ginagawa ng administrasyong Marcos na sumunod sa mga kinakailangan sa ilalim ng International Convention on STCW para sa mga marino.

Noong nakaraang Dis­yembre, nakipagpulong si Pangulong Marcos sa mga European shipowners sa Brussels na humantong sa paglikha ng International Advisory Committee on Global Maritime Affairs (IACGMA) na ngayon ay nag-aalok ng teknikal na payo sa Department of Migrant Workers sa mga alalahanin ng mga marino.

Nakipagpulong din ang Pangulo kay EU President Ursula von der Leyen sa gilid ng EU-ASEAN Summit para talakayin ang technical cooperation para mapabuti ang education, training at certification system para sa Filipino seafarers.

Pinuri rin ni Ople ang pamunuan ni DoTr Secretary Jaime Bautista na nagsusumikap para mapabilis ang mga reporma sa maritime sector at maipakita ang roadmap ng bansa sa diplomatic at business community.

vuukle comment

EUROPEAN COMMISSION’S

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with