S. Korea, umayuda sa mga ­mangingisda na apektado ng oil spill

Members of the Korean Coast Guard are heading to Oriental Mindoro to assist in the oil spill response.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nagkaloob ng tulong na bigas ang South Korea para sa mga mangingisda na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro. 

Sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) tinanggap ng ahensiya mula sa Republic of Korea – Ministry of Agriculture, Food, and Rural Affairs ang donasyon na 400 metric tons na milled rice na ipapabahagi sa 10,000 pamilya.

Bukod sa mga mangingisda, kasama rin sa mabibigyan ng bigas  ang mga residente na naapektuhan ng pagbaha at landslide noong nakaraang Pebrero sa naturang lalawigan.

Nagpasalamat naman si DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban sa tulong ng South Korean government.

Bukod sa South Korean government, may iba pang mga bansa tulad ng Japan at Amerika ang tumulong na rin sa naturang lalawigan para sa mga nasalanta ng oil spill at mga pagbaha.

 

Show comments