^

Bansa

Pag-ban sa POGO wala pang sapat na pirma sa Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pag-ban sa POGO wala pang sapat na pirma sa Senado
Individuals playing poker.
Pexels/Javon Swaby

MANILA, Philippines — Hindi pa nakakakuha ng sapat na pirma ng mga senador na miyembro ng Senate Committee on ways and means para sa report na nagrerekomenda na ganap na ipagbawal ang POGO sa bansa.

Ito ay dahil pito pa lamang ang pumirma sa report kabilang na dito sina Senate majority leader Joel Villanueva, Minority Leader Koko Pimentel, senator Risa Hontiveros at Grace Poe.

Habang ang mga nagsabi naman na hindi pa sila pumipirma ay sina Sens. Jinggoy Estrada at Imee Marcos.

Sinabi ni Senator Estrada hindi pa nakakarating sa kanya ang committee report at nais muna nya itong mabasa habang si Sen. JV Ejercito naman ay nais na gawin sa loob ng 2-3 taon ang pagphaseout sa POGO

Ayon kay Ejercito, hindi siya pro-POGO subalit inaalala niya ang epekto ng agarang pagpapasara sa POGO na mismong kongreso ang nagpasa ng batas para maging legal ang operasyon nito sa bansa

Sa huling araw ng sesyon noong Miyerkules ay nag-privilege speech si Senator Win Gatchalian, chairman ng Ways and Means Committee Chairman kung saan kanyang inilahad ang laman ng Chairman’s report kung saan inirerekomenda ang tuluyang pagpapasara at pag-ban ng mga POGO sa bansa dahil mas mabigat ang perwisyong dulot nito kung ikukumpara sa naibibigay na benepisyo.

Ayon kay Gatchalian, mangangailangan na lang ng tatlo pang pirma o kabuuang 10 signatures ang committee report para ito ay maiprisinta sa plenaryo ng Senado.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with