^

Bansa

Sen. Bato handang magpabitay

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bato handang magpabitay
Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa in the Senate on this photo uploaded on his official Facebook fanpage.
Photo from the Office of Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa via Facebook

Kung mapatunayan ang EJK sa drug war

MANILA, Philippines — Inihayag ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na maaari siyang bitayin kapag napatunayang sangkot at guilty tungkol sa kaso ng mga namatay dahil sa ilegal na droga noong panahon ni da­ting pangulong Rodrigo Duterte.

Pero nanindigan si Dela Rosa na dapat ay korte ng Pilipinas ang magsagawa ng paglilitis at hindi ang International Criminal Court.

“Puwede n’yo akong bitayin any time ‘pag na-prove n’yo diyan na ako’y nagkakasala. You can hang me in front of the Filipino people. You can hang me through the decision of the Filipino courts. But my god, hindi ng isang dayuhan,” ani Dela Rosa sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo.

Nauna rito, napaulat na inihayag ni forensic pathologist na si Raquel Fortun na handa siyang iharap sa ICC ang kanyang mga bagong natuklasan sa mga biktima ng drug war.

Sinabi ni Dela Rosa na kung totoo ang natuklasan ni Fortun, dapat itong ihain sa korte.

“Kung totoo ‘yang findings ni Fortun, i-file. May NBI naman tayo nag-conduct ng investigation. I-file ‘yan. Kaya nga nag-imbestiga siya para makakuha tayo ng ebidensiya. I-file niya dito sa ating korte, hindi doon sa ICC. Wala silang hurisdiksiyon sa atin,” ani Dela Rosa.

Muling kinuwestiyon ni Dela Rosa ang pakikialam ng ICC sa isyu ng war on drug sa Pilipinas.

“Bakit? Nag-file ba si Fortun doon sa ICC? Kung doon ka sa ICC, para sinampal ‘yung ating kasarinlan ‘yung ating soberenya,” ani Dela Rosa.

Matatandaan na nanindigan ang nakaraang administrasyon na walang karapatan ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa bansa dahil gumagana naman ang justice system ng Pilipinas.

vuukle comment

RONALD “BATO” DELA ROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with