^

Bansa

Walang balasahan sa DSWD - Gatchalian

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Walang balasahan sa DSWD - Gatchalian
Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian holds his first press briefing as secretary of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) at the agency's office in Quezon City on February 3, 2023.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Walang magaganap na rigodon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na wala siyang aalisin na mga tauhan sa DSWD bagkus ay dadagdagan pa niya ang mga ito.

“Magagaling ang mga taga-DSWD, wala tayong aalisin sa kanila at magdadagdag pa tayo ng mga dagdag na talents at social science at logistic experts para mapabuti pa ang serbisyo ng DSWD. Ang gusto ko kahit may bagong administrasyon ay walang mapuputol na serbisyo. Titiyakin natin na ang kagutuman ay ating mareresolbahan at mapipigilan ang kahirapan,” sabi ni Gatchalian.

Anya, kukunin nila ang tulong ng mga academe, tulong ng PSA at ng mga experts para malaman kung ano ang mga tama at mga bagay na dapat pang palakasin sa pagseserbisyo ng DSWD sa mga tao bukod sa pagpapalakas sa disaster response at residential care facility.

Sinabi ni Gatchalian na kung may ease of doing business sa LGUs ay may Ease of Doing Social Welfare sa DSWD para mabilis ang serbisyo sa tao.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with