^

Bansa

1 milyong Bivalent vaccines, darating sa Marso

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang darating sa bansa ang unang batch ng COVID-19 bivalent vaccines na aabot sa isang milyong doses sa katapusan ng Marso, ayon sa Department of Health (DOH).

Manggagaling ang naturang batch ng bakuna buhat sa COVAX Facility na bahagi ng kanilang donasyon sa mga mahihirap na bansa.

Alinsunod sa mga kondisyong itinakda ng COVAX facility, uunahin na bibigyan ng naturang bakuna ang mga frontliners na kabilang sa A1 category o healthcare workers, gayundin sa vulnerable population, kabilang ang nasa A2 category o mga senior citizen at A3 ca­tegory o mga individuals with comorbidities.

Tiniyak naman ng DOH na sa sandaling dumating na ang mga karagdagang doses ng naturang bakuna ay palalawakin pa nila ang pagkakaloob nito sa iba pang priority groups.

Habang hinihintay ang pagdating ng mga bakuna, tinatapos naman ng DOH ang mga panuntunan sa paggamit nito.

Ang bivalent vaccines ay modified vaccines, na ang target ay ang omicron variant at ang original form ng virus.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with