^

Bansa

Cordoba, Ople lusot na sa CA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lusot na sa Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointments nina Commission on Audit (COA) chairman Gamaliel Cordoba at Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople.

Si Cordoba ay mananatiling chairman ng COA hanggang Pebrero 2029 habang si Ople naman ang kauna-unahang nagsilbing kalihim ng bagong tatag na DMW hanggang sa huling termino ni Marcos maliban na palitan siya o magbitiw sa puwesto.

Kabilang sa binusisi ng komite sa kanilang pagdinig kay Cordoba ang update sa auditing ng 2020-2021 procurement ng P3 billion COVID-19 vaccines na pinasok ng gobyerno sa isang non-disclosure agreement (NDA).

Kasama rin sa naitanong sa COA Chairman ang organizational structure ng commission, COA rulings observation, backlog cases, special audit sa Bureau of Corrections, at ilan sa mga isyung kinakaharap ng New Bilibid Prisons.

Sa pagsalang ni Cordoba sa CA, naitanong ni Sen. Risa Hontiveros kung ano na ang ginagawa nila para ipatupad ang constitutional duty nito na i-audit ang aktuwal na ginastos na public funds partikular na sa mga binili noong COVID-19 vaccines.

Ayon kay Cordoba, nagpa-special audit na ang Asian Development Bank at World Bank na siyang nagpautang sa bansa para makabili ng bakuna.

Nauna na ring nakipag-ugnayan ang COA sa Department of Health (DOH) para makuha ang mga dokumento, kontrata at loans sa kanilang special audit na gagawin.

Samantala nangako naman si Ople na patatatagin at palalakasin ang DMW.

GAMALIEL CORDOBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with