^

Bansa

Game-fixing bill, aprub na sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagtibay na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang magpapataw ng mas mabigat na parusa sa sinumang masasangkot sa game- fixing.

Sa botong 249 pabor na walang pagtutol ay ganap na napagtibay ang House Bill (HB) 4513 o ang Game-fixing bill sa professional at amateur sports contests.

Tinukoy sa nasa­bing panukala ang malisyosong panloloko sa abilidad ng mga players at paglilimita sa abilidad ng mga manlalaro sa game, race at sports competition para maiprodyus ang nilutong panalo para sa gambling, betting at iba pang panlilinlang sa resulta ng game.

“Proof of actual payment or receipt of money or any valuable consideration is not a requirement to constitute the crime of game-fixing but it shall be deemed a prima facie evidence of its commission,” anang explanatory note sa panukala.

Ang iba pang game- fixing ay point/shaving, game machination at anumang aksiyon na humihikayat sa sinuman na masangkot sa game fixing para lamang kumita ng pera.

Sa ilalim ng nasabing panukalang batas ang game-fixing ay kagagawan ng sindikato kung tatlo o higit pa ang sangkot dito.

Sinumang lalabag ay makukulong ng 3-6 taon at magmumulta ng P1-M-P5-M.

GAMBLING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with