^

Bansa

Nag-iisang mananaya wagi sa P63.01-M jackpot prize ng Superlotto 6/49

James Relativo - Philstar.com
Nag-iisang mananaya wagi sa P63.01-M jackpot prize ng Superlotto 6/49
Individuals bought lotto tickets at a lotto outlet in Quezon City on Sunday (September 2, 2022).
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Solong-solong napagwagian ng isang mananaya ang mahigit P63-milyong papremyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa Superlotto 6/49.

Linggo kasi nang lumabas sa resulta ng bola ang winning combination na 05-42-40-03-25-35.

Dahil ito, napalanunan ang P63,013,007.40 jackpot — pero hindi ito maiuuwing buo ng mananaya.

Sa ilalim ng batas kasi, subject ng 20% final tax ang lotto winnings, maliban kung P10,000 ang napalanunan pababa. Alinsunod ito sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Wala pang balita kung kinubra ng nanalo ang kanang premyo.

Oktubre lang nang maging kontrobersyal ang PCSO matapos paghatian ng 433 katao ang P236 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 draw, bagay na nakitang maanomalya ng lawmakers.

Gayunpaman, iginigiit ng PCSO na "hindi ito kakaiba," at "natural occurrence" lang. 

vuukle comment

LOTTO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPTSTAKES OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with