MANILA, Philippines — Suportado ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang pagkakatalaga bilang undersecretary ni dating Philippine National Police chief Camilo Cascolan.
“I think he is very qualified naman dun sa kaniyang mga credentials na nakalagay diyan,” pahayag ni Vergeire nang tanungin tungkol sa pambabatikos ng publiko sa appointment ni Cascolan sa DOH.
Prerogative aniya ng Pangulo ang paghirang ng mga indibidwal sa mga tanggapan ng gobyerno
Ang dating PNP chief ay nagsanay ng public management sa University of the Philippines (UP) Visayas, bagamat walang medical degree.
“We will be assigning him kung saan po ‘yung proper naman dito para makatulong din po siya sa kagawaran ng kalusugan,” ani Vergeire.
Ipinagtanggol ni Cascolan ang kanyang appointment sa DOH, sa pagsasabing ang pamamahala sa kalusugan ay hindi lamang tungkol sa kaalaman sa medisina.
Nabatid na sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kapag normal na ang sitwasyon, maari na niyang pangalanan ang susunod na uupong health secretary.
“So, we just wait for the decision of the President. Tuluy-tuloy pa rin naman po ang trabaho whether we get the secretary post or not,” ani Vergeire.