Malacañang: Ambush kay Percy Lapid, imbestigahan!
MANILA, Philippines — Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.
Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevara, nag-aalala ang Office of the President lalo na si Marcos sa nangyari sa broadcaster na pinaslang kamakalawa ng gabi.
“The Office of the President, particularly BBM is concerned of what happened to Percy Lapid. In fact we have been instructed to take a look at the conduct of the investigation on the ambush of him last night,” dagdag ni Guevara.
Nakikipag-koordinasyon na rin si Guevara sa Southern Police District na nagbuo na ng isang task force para imbestigahan ang nangyari kay Lapid.
Makikipag-usap din siya sa Presidential Task Force on Media Security at sa SPD upang matiyak na walang magiging problema sa imbestigasyon.
- Latest