^

Bansa

‘Di kailangan ang ICC sa drug war investigation – Solgen

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Di kailangan ang ICC sa drug war investigation � Solgen
File photo shows Justice Secretary Menardo Guevarra in a press conference at the Department of Justice office in Padre Faura, Manila.
The STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Nanindigan si Solicitor General Menardo Guevarra na kaya ng Pilipinas na imbestigahan ang naganap na ‘drug war’ ng nakaraang administrasyon at hindi na kailangan pa ang tulong ng International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Guevarra na iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 52 kaso ng police operations na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek sa iligal na droga. May 20 resulta na rin ang naisumite sa Department of Justice (DOJ) para isailalim na sa ‘preliminary investigation’.

Dahil sa ginagawag imbestigasyon ng mga ahensya ng pamahalaan, iginiit ni Guevarra na hindi na kailangang manghimasok dito ng ICC. Ito ay makaraan ang panibagong kahilingan na muling umpisahan ng ‘international investigation body’ ang imbestigasyon sa Pilipinas.

“Bakit kailangan niyo [ICC] pang manghimasok dito sa aming mga ginagawang imbestigasyon eh ginagawa naman namin? Maaaring hindi kayo happy sa resulta so far, but it doesn’t mean that our judicial and legal system is not functioning. Hindi namin kayo kailangan,” saad ni Guevarra.

Si ICC Prosecutor Karim Khan ang nanguna sa kahilingan na muling buksan ang imbestigasyon sa Pilipinas matapos na sabihin niya na ang mga argumento ng Pilipinas ukol sa ‘war on drugs’ ay walang merito.

Ukol sa mabagal na imbestigasyon ng NBI, ikinatwiran ni Guevarra na isa ang kakulangan sa mga saksi ang nagiging dahilan para sa balidasyon ng mga tunay na naganap sa mga operasyon. Maging mga kaanak umano ng mga namatay na suspek ay ayaw na ring ipagpatuloy ang mga kaso.

Sa pagtataya, umaano sa 6,200 drug suspek ang umano’y nasawi sa mga police operations mula Hunyo 2016 hanggang Nobyembre 2021.  Sinasabi naman ng ilang ‘human rights groups’ na mas mataas ito na tinatayang nasa pagitan ng 12,000-30,000.

vuukle comment

DRUG WAR

ICC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with