^

Bansa

Rehistro ng sasakyan na ending 8, driver’s license inextend hanggang Oktubre 31

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Rehistro ng sasakyan na ending 8, driverâs license inextend hanggang Oktubre 31
Ayon sa Land Transportation Office (LTO), ang hakbang ay bilang konsiderasyon ng ahensiya sa mga naapektuhan ng Bagyong Karding, at upang maiwasan ang pa­tuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Extended ang validity ng rehistro ng mga sasakyan na may ending 8 hanggang sa October 31 ng taong ito.

Ibig sabihin, ang mga sasakyan na may ending 8 o buwan ng August 2022 ang dapat na rehistro ay bibigyan ng pagkakataon nang hanggang sa susunod na buwan para makapa rehistro ng walang penalty.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), ang hakbang ay bilang konsiderasyon ng ahensiya sa mga naapektuhan ng Bagyong Karding, at upang maiwasan ang pa­tuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala extended din ang  bisa o validity ng Student Permit, Driver’s License, Conductor’s License, maging ang mga Medical Certificate na mapapaso o may expiration date ng buwan ng Agosto at Setyembre 2022.

Ang mga holder ng naturang mga lisensiya at certificate ay may bisa pa hanggang sa  Oktubre 31, 2022.

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with