^

Bansa

6-9 bagyo pa sa nalalabing ‘ber’ months

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makakatikim pa ng mula anim hanggang siyam na bagyo ang ating bansa sa nalalabing “ber” months ng taon.

Ayon kay PAGASA Administrator Vicente Malano, sa papasok na bagyo, hindi pa tiyak kung ilan dito ay magiging isang Super Typhoon.

Anya, tumaas ang bilang ng mga Super Typhoon ngayong taon kaysa sa nagdaang mga taon.

“Sa Oktubre meron tayong dalawa hanggang apat. Sa November meron po tayong dalawa hanggang tatlo. Sa December po meron tayong hanggang dalawa. Or anim hanggang siyam pa itong taong ito,” sabi ni Malano.

Niliwanag din nito na binago ng PAGASA ang sistema kasama ang ibang mga bansa na miyembro ng World Meteorological Organization na mula 185 kilometer per hour ng hangin ng bagyo ay kinakategorya nang super typhoon.

Mula naman sa 220km kada oras na lakas ng hangin, ibinaba na sa 185kph lakas ng hangin ang pwede nang tawaging super typhoon.

Ngayong taon ay tatlong super typhoon na ang dumaan sa bansa - Henry, Josie at Karding.

BAGYO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with