^

Bansa

International flights ‘wag nang idaan sa Manila – Marcos Jr.

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
International flights âwag nang idaan sa Manila â Marcos Jr.
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. delivered a speech upon his arrival at the NAIA on Sunday (September 25, 2022).
STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Hindi dapat ipilit na dumaan pa sa Manila ang mga international flights na dumarating sa bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa kanyang talumpati sa grand opening ng bagong terminal building sa Clark International Airport sa Mabalacat City, Pampanga, sinabi ng ­Pangulo dapat dumiretso na ang biyahe sa mga pupuntahang lugar katulad ng Bohol, Cebu, Cagayan de Oro at Davao.

“Huwag nating pi­nipilit lahat na kailangan dumaan ng Maynila. So, direct na sa Bohol, direct na sa Cebu, marami na talagang direct. Direct sa CDO, direct sa Davao na mayroon na rin. Ganon, para ‘di na kailangang dumaan ng Maynila. Kaya’t itong ganitong klaseng project is exactly on point when it comes to the plans that we have,” ani Marcos.

Sinabi ni Marcos na habang inaayos pa ang airport sa Maynila at hindi pa naitatayo ang airport sa Bulacan ay dapat ma­gamit ang mga paliparan sa ibang rehiyon.

Ipinahiwatig din ni Marcos na magtutuloy-tuloy na ang iba pang mga proyekto sa ilalim ng public-private partnerships.

Naantala lang aniya ang mga nakahanay na proyekto dahil sa pan­demya at panahon na para balikan ang mga kahalintulad na proyekto kung saan nagtutulungan ang gob­yerno at pribadong sektor.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with