^

Bansa

Marcos: Pinas handa na sa foreign investors

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos: Pinas handa na sa foreign investors
Pinangunahan nina President Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos ang unveiling ng marker ng new terminal building ng Clark International Airport sa Pampanga sa grand opening nito kahapon.
KJ Rosales

MANILA, Philippines —  Bukas na ang Pilipinas sa pagtanggap ng mga dayuhang negosyante, ayon mismo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa pagbubukas ng bagong terminal building sa Clark International Airport sa Mabalacat, Pampanga sinabi ng Pangulo na ang nasabing pasilidad ay senyales na bukas na sa negosyo ang Pilipinas.

“And this facility is essentially a very strong signal that yes, indeed, we are open for business. We just opened a new terminal. It is state-of-the-art, and this is one of the things that we will continue to do in the future to bring you all to come and be partners with the Philippines to help the lives of our people to help the Philippine economy and para pagandahin ang buhay ng Pilipino, para pagandahin naman natin ang Pilipinas,” pahayag ng Pangulo.

Ipinunto rin ni Marcos ang kahalagahan ng pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor.

Anya, hindi magtatagumpay ang isang proyekto kung hindi magtutulungan ang public at private companies.

Umaasa ang Pangulo na kapag pumasok na ang mga dayuhang negosyante, magdadala ito ng mga turista at magbibigay naman ng trabaho sa mga ordinaryong Filipino.

Bukod sa Clark International Airport, target din ng Pangulo na buksan ang iba pang regional airpot sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with