^

Bansa

Quick response teams ng DPWH, pinakawalan na vs Bagyong Karding

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Quick response teams ng DPWH, pinakawalan na vs Bagyong Karding
Members of the Disaster Risk Reduction and Management Office prepare rubber boats and life vests ahead of Super Typhoon Noru making landfall, at their headquarters in Quezon City, suburban Manila on Sept. 25, 2022.
AFP/Kevin Tristan Espiritu

MANILA, Philippines — Nakapuwesto na at nakaalerto ang mga ‘quick response teams’ ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga istratehikong kalsada na daraanan ng bagong ‘Karding’.

Inatasan na rin ni DPWH Sec. Manuel Bonoan ang lahat ng tanggapan nila na maaapektubahan ng bagyo na magposisyon na ng mga tauhan sa mga lugar na maaaring may maganap na ‘landslides’ at ‘flashfloods’ upang mabilis na makaresponde.

Binubuo ang ‘quick response team’ ng DPWH-Disaster Risk Reduction and Management ng 8,963 tauhan at may 1,590 units ng kagamitan na nakapwesto na sa mga kalsada sa Luzon at Western Visayas nitong Setyembre 24 pa lamang.

Handa umanong agad na tumugon ang mga grupong ito sa walong rehiyon sa Luzon para mabilisan na matanggal ang anumang debris na haharang sa mga national roads at tumulong sa pagsagip ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan.

Bilang bahagi ng paghahanda, nagsagawa na ng ‘standard protocols’ ang DSWD tulad ng pagputol sa mga sanga ng mga puno, pagtanggal sa mga bara sa mga drainage at iba pang daluyan ng tubig sa mga national roads.

DPWH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with