Ban sa eSabong, nagresulta sa ‘di lisensiyadong betting activities

Ang kita sa online cockfighting activity ay nakatulong sa pagpapalakas ng mandated contribution ng PAGCOR sa mandated contributions sa nation building sa P22.91 bilyon noong 2021, na lumaki mula sa nakalipas na taon sa kabila ng mga hamon na dulot ng pandemya ng COVID-19.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Nagresulta umano ang suspensiyon ng eSabong operations upang humanap ang mga bettors ng iba pang alternatibo sa online cockfighting game, at ilan dito ay hindi na regulated ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) gaya ng nahuling illegal eSabong operators sa Cebu kamakailan.

Nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) Region 7 ang dalawang negosyante at 37 personnel nila dahil sa umano’y pag-organisa ng illegal online cockfighting o eSabong.

Ang pag-aresto ay ginawa noong nakaraang linggo sa Barangay Calajoan, Minglanilla, Cebu base sa search warrant na inisyu ni Judge Veloso-Fernandez ng Branch 19 ng Regional Trial Court (RTC) na inihain laban sa Amenic N’ Calajoano cockpit. Dalawang sinasabing operator umano ng illegal eSabong websites ang naaresto.

Ayon kay Jade Entertainment and Gaming Technologies, Inc. Chief Executive Officer Joe Pisano, ang ban sa eSabong ay hindi lamang nagresulta sa potensiyal na revenue loss para sa gobyerno, ngunit nakatulong din sa paglaganap ng illegal betting activities sa bansa.

Sabi ni Pisano, ang gobyerno ay nalulugi sa taxes na dapat sana ay nakokolekta mula sa mga negosyo.

Ang kita sa online cockfighting activity ay nakatulong sa pagpapalakas ng mandated contribution ng PAGCOR sa mandated contributions sa nation building sa P22.91 bilyon noong 2021, na lumaki mula sa nakalipas na taon sa kabila ng mga hamon na dulot ng pandemya ng COVID-19.

Ani Pisano, mas mainam na magkaroon ng aktibidad na regulated at operated ng mga tao o ­organisasyon na may kumpiyansa ang gobyerno, kaysa sa mga aktibidad na nasa labas ng scope ng pamahalaan.

Show comments