^

Bansa

US lawmakers, nabisita si De Lima sa kulungan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
US lawmakers, nabisita si De Lima sa kulungan
This photo of former Sen. Leila de Lima was taken on July 29, 2022 after the hearing at Muntinlupa Regional Trial Court, Branch 204.
Office of Leila De Lima / release

Pinayagan ng korte

MANILA, Philippines — Makaraang makakuha ng permiso mula sa korte, nabisita at nakausap ng mga mambabatas mula Amerika si dating senador Leila De Lima, kahapon sa PNP Custodial Center.

Huwebes nang sabihin ni PNP Public Information chief BGen. Roderick Alba na hindi nila papayagang makaharap ng US delegation ang dating senador bagama’t papayagan ang mga ito na libutin ang Custodial Center.

Nabatid na naisakatuparan ng US delegation sa pangunguna ni Sen. Edward Markey kahapon na makausap si De Lima matapos pumayag ang dalawang korte na may hawak sa dalawang drug case ng dating senador. Tikom naman ang bibig ni De Lima at ng US delegation sa ginawang pagpupulong.

Mayo ngayong taon nang ipanawagan ng mga US lawmakers na sina Markey, Marco Rubio, Dick Durbin, Marsha Blackburn, Chris Coons, at Patrick Leahy ang pagpapalaya kay De Lima matapos na bumaligtad ang ilang testigo laban dito.

LEILA DE LIMA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with