^

Bansa

Presyo ng asukal, ibaba sa P70

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng asukal, ibaba sa P70
Ayon sa Pangulong Bongbong Marcos, sa ngayon ay nakikipag-negosasyon na sila sa mga traders at tinitingnan nila kung ano na ‘yung stock sa bansa na hindi na kailangang mag-import.
STAR/ File

Marcos sa mga negosyante

MANILA, Philippines — Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga negosyante na ibaba sa P70 ang presyo ng asukal sa merkado dahil masyado anyang mataas ang P100 kada kilo.

Ayon sa Pangulo, sa ngayon ay nakikipag-negosasyon na sila sa mga traders at tinitingnan nila kung ano na ‘yung stock sa bansa na hindi na kailangang mag-import.

“That’s exactly what we’re negotiating now with the traders. Ang tinitingnan natin ay kung ano ‘yung mga in-country na, nandito na hindi na kailangan mag-import,” ani Marcos.

Aminado si Marcos na magkukulang ang stock ng asukal bago matapos ang taon.

Ang inalok aniyang presyo ng mga traders ay P80 kada kilo pero inihirit ni Marcos na ibaba ito sa P70 dahil kawawa naman aniya ang mga tao.

“Pero hindi talaga – magkakakulang ‘yan so later on this year… That’s what we are negotiating with the traders now. Hihingin natin… They were – they first offered at 80 pesos so sabi ko, “Hingiin ko na ‘yung 70 pesos, tulungan niyo na lang kasi kawawa naman ang tao.” And we’re getting there,” ani Marcos.

Samantala, nakatakdang magsagawa ng reorganisasyon si Marcos sa Sugar Regulatory Administration (SRA) kasunod ng pagbibitiw ng mga pangunahing opisyal dahil sa isyu ng sugar import resolution.

Gagawin ang reorga­nisasyon bago matapos ang linggo.

Ayon sa Pangulo na tumatayo ring pinuno ng Department of Agriculture, ipinaubaya na nila ang imbestigasyon tungkol sa isyu ng importasyon sa lehislatura dahil ang pinagtutuunan nila ng pansin ay ang kakulangan ng asukal na ginagamit ng industrial consumer.

Muling inulit ni Marcos ang naunang pahayag na mapipilitang mag-import ng asukal para punan ang kakulangan.

MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with