^

Bansa

Mga guro dapat, magpabakuna bago face to face classes - expert

Pilipino Star Ngayon
Mga guro dapat, magpabakuna bago face to face classes - expert
Teachers and parents finalize classroom preparations in Malanday Elementary School in Marikina City, a week before the school year 2022-2023 officially starts on Aug. 22, 2022.
The STAR/ Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Naniniwala ang infectious disease expert na si Dr. ­Rontgene Solante na kailangan na may mandato sa mga guro para magpabakuna sila laban sa COVID-19 bago magbukas ang ‘face-to-face classes’ sa bansa sa Agosto 22.

“Isang bagay na gusto ko sana i-advocate, na sana ang mga guro naman, mga teachers will have a very high rate of immunization or vaccination. Kasi nakikita natin ngayon marami pang mga teachers ang hindi nagpapabakuna,” paalala ni Solante.

Para umano makalikha ng mataas na ‘wall of immunity’ sa mga paaralan, kailangan naman na magsilbing ehemplo ang mga guro at sumunod sa ‘vaccination program’ ng pamahalaan.

Marami umanong mga magulang ang nag-aalala sa kaligtasan ng kanilang mga batang anak lalo na kung hindi bakunado ang mga makakahalubilo sa mga paaralan.

“So importante, we need to mandate vaccination also sa mga teachers, not only for the children,” giit ni Solante.

Kailangan umano na magpalabas ng kautusan ang gobyerno para sa pagpapabakuna ng mga tauhan ng mga paaralan habang hinikayat din niya ang lahat ng mahigpit na pagsunod sa ‘minimum public health standards’ lalo na ang palagiang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at tamang bentilasyon ng mga silid-aralan.

RONTGENE SOLANTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with