^

Bansa

'Paki-absorb students': DepEd nanawagan dahil sa pagsasara ng QC school

James Relativo - Philstar.com
'Paki-absorb students': DepEd nanawagan dahil sa pagsasara ng QC school
Litrato ng Colegio de San Lorenzo
Mula sa Facebook page ng Official Colegio de San Lorenzo-Basic Education

MANILA, Philippines — Nanawagan ngayon ang Department of Education (DepEd) sa ilang paaralan dahil sa biglaang pagsasara ng isang paaralan sa Lungsod ng Quezon dahil sa epekto ng pandemya, bagay na hindi raw naipaalam sa kagawaran bago ginawa.

Ika-15 ng Agosto kasi nang bulagain ng Colegio de San Lorenzo (CDSL) ang mga estudyante't magulang matapos ianunsyo ang biglaang pagsasara dahil sa "financial instability" at "low enrolment" — ito kasabay ng unang araw ng eskwela.

"There is already a private school in QC that got in touch with DepEd and informed us that they are willing to absorb students, particularly Grades 11 and 12 at the same tuition rate as that of Colegio de San Lorenzo," ayon kay DepEd spokespwerson Michael Poa, Martes.

"We hope more schools would do the same."

Matapos iberipika sa regional director, sinabi ni Poa na "walang prior communication" sa DepEd ang eskwelahan tungkol sa closure.

Dahil dito, walang pormal na pagpapaabot ang CDSL na may plano silang magsara ng pintuan sa kanilang mga estudyante. Voluntary closure sa ilalim ng Section 43 ng Department 88 s. 2010 aniya ang nangyari.

"As per our protocols, the DepEd will only issue an acknowledgement of closure once we are assured that the transfer credentials of the affected students are processed and released by the school," sambit pa ng DepEd official.

Una nang sinabi ng CDSL na sinisimulan na nila ang full refunds ng lahat ng tuition fee, uniform expenses, book expenses, etc. na una nang naibayad habang ina-assist ang lahat na makalipat sa ibang paaralan.

Nakikipag-ugnayan na rin daw ang CDSL sa ibang mga unibersidad na "may kapantay na kalibre" para sa posibilidad ng pagpapalipat ng estudyanteng una nang nag-enrol sa college department ng paaralan.

Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera III, nakikipoag-usap na ang paaralan sa mga opisyal ng CHED regional office sa Metro Manila patungkol sa isyu.

"Under Sec. 84 of DO 88 s.2010, private schools teachers  who are terminated due to voluntary closure of private schools shall be entitled to separation pay," dagdag pa ni Poa.

"As to any form of assistance that the DepEd can provide, we will explore this. But again, I have to emphasize that these are private school teachers."

Ilan sa mga paaralang pumayag na mag-absorb ng CDSL students ang Villagers Montessori College sa Barangay Sangandaan sa Quezon City.

Matinding perwisyo

Ibinuhos tuloy online ng mga magulang at estudyante ang pagkabanas dahil sa nangyari, lalo na't libu-libong estudyante't empleyado ang naapektuhan ng pagsasara.

Problema ng ilang mga estudyante, tapos na ang admission sa ilang eskwelahan ang unibersidad sa ngayon.

"Nakakaiyak lahat ng hinaing ng students at parents Colegio de San Lorenzo," ani Janice Tan sa isang paskil sa Facebook kahapon.

"This is the scenario na wla nmn kami lahat magagawa! We have been a hostage of this selfish school!!!!"

 

 

Galit naman ang student council ng naturang paaralan lalo na't "pinagtaksilan" daw ng institusyon ang mga estudyante na gustong matapos na ang kanilang pagaaral.

"Ngayon na magsasara ang pangalawang tahanan namin, lahat kami ay naguguluhan at natatakot. Hindi lamang dahil sa nawalang eskwelahan. Kundi sa mga pangarap na biglang natuldukan. Mga pangarap na bigla na lang naglaho at nawala sa aming mga kamay," sabi nila.

 

 

— may mga ulat mula sa The STAR/Janvic Mateo at InterAksyon

vuukle comment

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

DEPARTMENT OF EDUCATION

SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with