^

Bansa

‘Wag magbababa ng face mask – DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
âWag magbababa ng face mask â DOH
Pupils of Concepcion Elementary School in Marikina attend bridging classes on Wednesday, Aug. 10, 2022. A bridging class is designed for students to catch up the subjects that are needed to be mastered including Math, Science, AP and English.
The STAR/Walter Bollozos

Sa balik-eskwela ng mga estudyante

MANILA, Philippines — Mahigpit ang bilin ng Department of Health (DOH) sa mga mag-aaral na magbabalik sa mga paaralan sa ‘face-to-face classes’ na huwag tatanggalin ang suot ng face mask kasunod ng pag-amin ng departamento na mahihirapan na magpatupad ng ‘social distancing’ sa mga klase.

Sinabi ni Health ­officer-in-charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan nang mamuhay ang mga Pilipino na kasama ang virus kaya mas kinakailangan ngayon ang ‘commitment’ ng bawat isa na proteksyunan ang mga sarili.

Bukod dito, kailangan din na mahigpit na ipatutupad ng mga paaralan ang palagiang paghuhugas ng kamay ng mga estudyante, pagsa-sanitize ng alcohol at pagkuha ng kanilang mga temparatura.

Kasunod nito, hinikayat ni Vergeire ang mga estudyante at maging mga magulang nila na magpabakuna na laban sa COVID-19, maging ang mga guro at iba pang empleyado ng mga paaralan.

Kailangan din na magtalaga at magsanay ang mga paaralan ng kanilang ‘safety officers’ na siyang may responsibilidad sa pagsunod ng lahat sa health protocols.

Una nang sinabi ng OCTA Research Group na hindi maiiwasan ang COVID outbreak sa mga paaralan sa pagbabalik ng ‘face-to-face classes’.

DOH

FACE TO FACE CLASSES

FACEMASK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with