^

Bansa

Malawakang pagsisiyasat sa SRA, smuggling tiniyak ng Palasyo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Malawakang pagsisiyasat sa SRA, smuggling tiniyak ng Palasyo
A vendor repacks sugars at Quinta market in Quiapo, Manila on Thursday (August 11, 2022).
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Malacañang na magiging malawak ang pagsisiyasat sa Sugar Regulatory Board kung saan posible ring masilip ang isyu ng smuggling.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, hindi lamang ang kontrobersiyal na resolusyon na inilabas ng SRA ang sisilipin kundi ang iba pang isyu.

“The investigation will probably cover a more extensive review than simply the resolution that was issued by the Sugar Regulatory Board,” ani Cruz-Angeles.

Nauna rito, pinaimbestigahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sinasabing “illegal” na resolusyon na umano’y nagpapahintulot sa pag-angkat ng 300,000 metriko tonelada ng asukal sa bansa.

Pero nilinaw ni Angeles na sa ngayon ay wala pa silang ilalabas na pahayag tungkol sa imbestigasyon.

Nakatitiyak din si Cruz-Angeles na nakara­ting na sa Pangulo ang naging pahayag ng kanyang kapatid na si Sen. Imee Marcos na umano’y pagkakasangkot ng ilang opisyal ng Department of Agriculture (DA) sa smuggling.

“I am sure the President has already noted this,” ani Cruz-Angeles.

Aalamin din aniya ng Malacañang kung gaano karaming opisyal ang nasasangkot at kung sinu-sino ang mga ito.

SUGAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with