^

Bansa

COVID-19 vaccine sa mga estudyante, ‘di mandatory – DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 vaccine sa mga estudyante, âdi mandatory â DepEd
Pupils of Concepcion Elementary School in Marikina attend bridging classes on Wednesday, Aug. 10, 2022. A bridging class is designed for students to catch up the subjects that are needed to be mastered including Math, Science, AP and English.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Hindi pa rin mandatory para sa mga mag-aaral na magpaturok ng COVID-19 primary vaccine series at booster doses kahit nakatakda na silang magbalik sa face-to-face classes sa Nobyembre 2.

Ang pahayag ay ginawa ni DepEd spokesperson Michael Poa sa isang pulong balitaan kahapon matapos na matanong hinggil sa vaccination policies na ipatutupad ng kagawaran kasunod ng panawagan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na magpabakuna na upang magkaroon sila ng proteksiyon laban sa virus.

Ayon kay Poa, kaisa sila ng Pangulo sa panawagan na magpabakuna na ang lahat laban sa COVID-19, ngunit ang kagawaran aniya ay tumatalima sa national policy na ang pagpapabakuna ay hindi mandatory.

“Of course, we are one with the President in encouraging everyone to get either vaccinated or get their booster shots kung hindi pa sila nakakapagpa-booster. However, as we all know, the government’s vaccination program is not mandatory in nature. Voluntary pa rin po siya. As a matter of national policy, sumusunod din ang DepEd. Hindi po tayo mandatory sa DepEd,” paliwanag pa ni Poa.

Tiniyak din ni Poa na hindi idi-discriminate ng DepEd ang mga ­estudyante at mga gurong hindi bakunado.

Nkikipag-ugnayan na rin ang DepEd sa Department of Health (DOH) para sa pagro-rollout ng mobile COVID-19 vaccination sa mga paaralan, sakaling may mga estudyante na nais nang magpabakuna laban sa COVID-19, gayundin ng pag-organisa ng counseling sessions sa mga unvaccinated learners.

Binigyang-diin din ni Poa ang kahalagahan nang pagtalima sa minimum public health ­standards, bilang tugon sa pahayag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na “very possible” ang pagtaas ng COVID-19 cases sa sandaling mag-face-to-face classes na.

Nauna rito, sa kanyang vlog noong Sabado, sinabi ni Pang. Marcos na dapat na tiyakin na ang lahat, lalo na ang mga bata ay nakatanggap na ng primary series at boosters upang mabigyan ng proteksiyon laban sa COVID-19.

Sinabi na rin naman ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na wala siyang nakikitang problema kung magkakahalubilo man ang mga mag-aaral na bakunado at hindi bakunado laban sa COVID-19, sa sandaling ibalik na ang face-to-face classes.

Paliwanag niya, nagkakahalubilo rin naman ang mga ito sa ibang lugar gaya ng mga malls at iba pang public places.

COVID-19 VACCINE

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with