^

Bansa

18.6 milyong estudyante na, nagpa-enroll

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
18.6 milyong estudyante na, nagpa-enroll
Parents filled out the enrollment forms of their children during the ongoing school enrollment at the Parang Elementary School in Marikina City on August 1, 2022.
STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Iniulat ng Department of Education (DepEd) kahapon na umaabot na sa mahigit 18.6 milyon ang bilang ng mga estudyanteng nakapagpatala na para sa School Year 2022-2023.

Sa pagtaya ni DepEd Spokesperson Michael Poa, ang naturang bilang ay nasa 64%-67% na ng kanilang target na 28.6 milyong enrollees ngayong taon.

Kaugnay nito, muli rin namang hinikayat ni Poa ang mga magulang na ipa-enroll ng maaga ang kanilang mga anak upang matulungan ang mga paaralan sa ginagawang paghahanda para sa nalalapit na pasukan.

Ipinaliwanag pa niya na ang pagkakaroon ng kon­kretong enrollment figures ay malaking tulong sa DepEd upang makapagpatupad ng mga epektibong istratehiya laban sa COVID-19, dengue, monkeypox at sa North Luzon earthquake.

Ang School Year 2022-2023 ay itinakda ng DepEd mula Agosto 22, 2022 hanggang sa Hulyo 7, 2023.

Ang limang araw na face-to-face classes naman ay sisimulan sa Nobyembre 2, 2022.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with