^

Bansa

DOH: 'Pinas posible makakuha ng bakuna vs monkeypox sa 2023

Philstar.com
DOH: 'Pinas posible makakuha ng bakuna vs monkeypox sa 2023
A health care worker administers a dose of Imvanex, a vaccine to protect against Monkeypox virus, at a municipal vaccination centre in Marseille on August 10, 2022.
AFP/Christophe Simon

MANILA, Philippines — Maaaring makakuha na ng bakuna laban sa kinatatakutang monkeypox virus ang Pilipinas sa darating na taon, pagbabahagi ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Maria Rosario Vergeire, officer-in-charge ng DOH, nakikipagtulungan na sila sa pribadong sektor para makakuha ng bakuna laban sa sakit — na siyang nakapasok na sa bansa nitong Hulyo.

"Some have signified they will be helping us. Unfortunately, doon sa mga pag-uusap, ang pinakamaagang deliveries kung sakaling makabili tayo would still be 2023," ani Vergeire sa isang panayam sa ANC.

"So we are still trying to explore that avenue where we can just request at least a minimal [number of vaccines] so that we can give [the jabs] to the health workers first."

Una nang sinabi ni Vergeire kahapon sa isang media briefing na nakapagtukoy na sila ng tatlong manufacturers ng bakuna laban sa monkeypox.

Nakikipagtulungan na rin daw ang pamahalaan sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para makabili ng mga bakuna para maprotektahan ang mga tao mula sa pagkakahawa nito.

Hulyo nang ideklara ng World Health Organization ang outbreak bilang isang global health emergency.

Ayon sa United Nations health agendy, kumakalat ang sakit sa pamamagitan ng "close contact" sa ibang tao na merong monkeypox rash. Sakop nito ang face-to-face, skin-to-skin, mouth-to-mouth o mouth-to-skin contact, pati na ang pakikipagtalik.

Ilan sa mga sintomas ng monkeypox ang lagnat, matinding sakit ng ulo, kulani, pananakit ng likod at katawan, panghihina at rashes na makikita sa mukha, kamay, talampakan, mata, bibig, lalamunan, at maseselan na bahagi ng katawan gaya ng pwet at ari. — James Relativo at may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

DEPARTMENT OF HEALTH

MONKEYPOX

VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with