^

Bansa

Kaso vs IT contractor ng LTO, ibinasura ng DOJ

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong kriminal na inihain laban sa information technology provider ng Land Transportation Office (LTO) na Dermalog, dahil sa kawalan ng merito.

Kinatigan ng DOJ ang isinampang “petition for review” ng Dermalog ukol sa kasong Qualified Theft na inihain sa mga opisyal nilang sina Gunther Mull, Randolf Sitz, Michel Schutt at Lourilyn Ocampo.

Dahil dito, binaligtad ng DOJ ang naunang desisyon ng Quezon City Prosecutors Office na nagsasabing mayroong probable cause sa pagsasampa ng kaso sa mga opisyal ng Dermalog.

Nag-ugat ang kaso sa P3.1 Billion IT project na iniward ng LTO noong 2018 sa Dermalog Joint Venture (JV). Kinabibilangan ang JV ng Dermalog (40%) na nakabase sa Germany, Philippine-based company na Holy Family Printing Corporation (30%), Verzontal Builders (25%) at MicroGenesis (5%).

Nabigo umano ang Verzontal Builders Inc. na kinakatawan ni Silvestre Natividad, na makatugon sa kanilang deliverables na nakapaloob sa joint venture agreement kaya naman noong Abril 5, 2019 ay nagdesisyon ang Dermalog na umatras na sa joint venture at nagsabing babayaran nito ang anumang nagastos na ng Verzontal na umabot sa P228-M.

Bagama’t hindi nakacomply sa kasunduan ay nagsampa ng reklamo ang Verzontal Builder dahil nais nilang 25% ng napagkasunduan sa kontrata ang siyang ibayad sa kanila ng Dermalog.

Sa desisyon ng DOJ, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na walang merito ang demand ng Verzontal Builders dahil hindi umano ito pasok sa isang criminal case at walang qualified theft na naganap.

Una nang kinuwestiyon ni LTO Chief Teofilo Guadiz ang kakayahan ng Dermalog bilang IT provi-der ng LTO dahil sa nasabing kaso ngunit iginiit ni Dermalog Spokesperson Nikki de Vera na paninira lamang ang isinampang kaso laban sa kanila at mismong ang DoJ ang nagbasura nito.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with