^

Bansa

‘Pangingikil’ ng Customs officer, inilapit sa Kamara

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Pangingikil� ng Customs officer, inilapit sa Kamara
“We intend to file a House Resolution investigating this matter. Matagal na may ganyan sa Customs, dapat na talagang linisin. Mara­ming negosyante, pati na rin ang mga maliliit na negosyante na umaasa sa mga produkto galing ibang bansa, ang nagsara ng negosyo nga­yong pandemya dahil na rin sa ganitong pang-aabuso ng kapangyarihan sa Customs. Imbes na makaahon sila, lalo pa silang pinapahirapan at nasasadlak na malugi,” pahayag pa ng Assistant Majority Leader.
STAR / File

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Party List Rep. Jeffrey Soriano, na may ilang importers ang humingi ng saklolo sa kanya at hiniling na maimbestigahan ang isang Customs officer na anila’y gumagamit ng kanyang posisyon upang makapangikil ng pera mula sa kanila.

Ayon kay Soriano, walang magawa ang mga importers at napipilitang magbigay na lang upang mai-release na ang kanilang mga kargamento dahil kung hindi ay maapektuhan lalo ang kanilang negosyo. “Lugi na nga sila dito, dahil minsan umaabot sa 100k ‘yung hinihingi,” anang solon.

Tiniyak naman ni Soriano na kaagad siyang maghahain ng House Resolution upang maimbestigahan ang bagay na ito.

“We intend to file a House Resolution investigating this matter. Matagal na may ganyan sa Customs, dapat na talagang linisin. Mara­ming negosyante, pati na rin ang mga maliliit na negosyante na umaasa sa mga produkto galing ibang bansa, ang nagsara ng negosyo nga­yong pandemya dahil na rin sa ganitong pang-aabuso ng kapangyarihan sa Customs. Imbes na makaahon sila, lalo pa silang pinapahirapan at nasasadlak na malugi,” pahayag pa ng Assistant Majority Leader.

Tinukoy pa ni Soriano ang sinabi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ang korapsiyon ay walang puwang sa kanyang administrasyon, partikular na sa Customs.

Nagpahayag din siya ng tiwala na maaaksiyunan kaagad ito lalo na at kilala ang bagong Customs Commissioner na si Yogi Filemon Ruiz bilang isang aksiyon man, na galit din sa korapsiyon.

vuukle comment

ACT-CIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with