^

Bansa

Bagyong Ester, nagbabanta sa Northern Luzon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bagyong Ester, nagbabanta sa Northern Luzon
Si Ester ay huling namataan ng PagAsa sa layong 880 kilometro silangan ng extreme northern Luzon. Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na nasa 45 km bawat oras at pagbugso na 55 kph.
PAGASA

MANILA, Philippines — Isa nang ganap na tropical depression ang binabantayang low pressure area (LPA) sa hilagang Luzon na pinangalanang bagyong Ester.

Si Ester ay huling namataan ng PagAsa sa layong 880 kilometro silangan ng extreme northern Luzon. Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na nasa 45 km bawat oras at pagbugso na 55 kph.

Ang naturang bagyo ay magpapalakas  sa habagat na magdudulot ng pag-uulan sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Samar provinces, Zambales, Bataan, at Antique gayundin sa Metro Manila sa susunod na 24 na oras.

Ang isa namang bagyo na nasa labas ng bansa na Tropical Storm Songda ay mahina naman ang tsansa na pumasok sa PAR.

Patuloy na pinaalalahanan ang mga residenteng nakatira sa naturang mga lugar na mag-ingat  sa landslides at flashfloods na dulot ng mga pag-uulan sa kanilang lugar.

 

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with